An Ordinary Day
Since it's my birthday today, I decided, once again, to attempt to create and maintain a personal blog, a sojourn #DramaLang.
Why "Chapter 28"? Drama lang ulit... Duh, coz I'm 28 years old now (I feel so old hahaha).
Wala lang, normal na araw lang. I woke up at six in the morning, arrived in office at seven am, and did the morning daily bundles build (btw, I'm a Build and Release Engineer at NetSuite Philippines) and other mundane tasks. I had two (dalawa talaga, pero hindi naman sabay) two-piece chicken joy meals (with rice and peach mango pie) for my birthday lunch and dinner courtesy of my holiday-support work (bongga ng handa ko di ba?!).
While writing this post, napaisip ako ano nga ba kadalasang ginagawa ko nung mga nakaraang birthdays ko. Before, I usually write down a wish list. Ngayon, sobrang tinamaan ata ako ng katamaran. Gusto ko kasi chill lang.
Nga pala, last Saturday night, I deactivated my Facebook #DramaUlit. Gusto ko kasi personally i-greet ako ng aking family and friends through call or text. Ayaw ko yung gagawan ako ng birthday picture sa Facebook, ita-tag ako then kung sinu-sino ang babati sa akin, karamihan pa hindi ko kilala. I know they mean no harm, and their intentions are good, pero para sa akin parang nawawalan na kasi ng saysay yung greetings sa Facebook. Parang ang dating sa akin hindi bukal na pagbati yung posts/comments nila (symepre hindi ko naman nilalahat). O di ba sabi ko sa inyo ang drama di ba? #SingsOfAging.
Speaking of greetings here's a list of persons (and interesting entities) who greeted me on my special ordinary day (in order listed below, as far as I remember):
Speaking of greetings here's a list of persons (and interesting entities) who greeted me on my special ordinary day (in order listed below, as far as I remember):
- Steve - Tumawag kagabi, buena mano.
- Globe - received an automated text. salamat?
- Uncle Amor and Jamie - called from Baguio.
- Mama - Super Mega call while I was in the middle of my afternoon work siesta/nap. Hahaha
- Google - Yup. Gulat ako kasi I usually log-in to my Gmail accounts sa office, tas when I opened a new tab sa chrome browser to google for something, yung Google Image sa search page eh picture ng birhtday cakes, and when I hovered my mouse pointer on it, it said Happy Birthday! (#sweet #NerdModeOn)
- Little-big brother Kyzer - nagtext si kapatid #BrotherlyLove
- Fe - hindi ko inaasahan, pero a welcome beautiful surprise #SuperFriend
- Ate Lane/Meggy - texted me through their new number
- Bessie Suzie - tagged me in an IG post/greeting
- Zalora - automated email.
Moving forward, gusto kong gawing less complicated ang buhay ko. Dahil sa mga drastic changes na nangyari sa akin early this year, nagkaroon ako ng medyo panibagong perspektibo sa buhay #AngLalim.
****** commercial break ******
sobrang daming tumatakbo sa isip ko ngayon (well, ano pa bang bago #OverThinker). ang dami kong gustong i-sulat (techincally, i-type hehehe) pero as usual, I can't find the right words to capture my thoughts.
****** balik sa programa ******
Hmmm... ano nga bang purpose ng post/blog na 'to? Hahaha. Ma-i-lista nga:
- Outlet (hindi ng kuryente). Nung first year college nagsimula ang pagkahumaling ko sa pagsusulat sa aking mga imaginary readers by keeping a digital diary (digital kasi nung time na yun, tina-type ko yung entries ko sa word tapos sine-save ko sa isang folder sa laptop ko na may title na sojourn). Actually, buhay pa yung blog site na pinagpo-post-an ko ng mga entries ko sa lappy ko (pero wag na natin ungkatin, puro kadramahan about college life yun).
- Documentation. May officemate akong blogger, si Kath. Gusto ko sundan ang yapak nya na mag-sulat ng kung anu-ano: food/restaurant review, movie/concert review, travel experiences, life goals, etc. "one step at a time".
- Anything/Everything in between items 1 and 2 #toinkz.
Ayun lang. Sana marami pang iba.
Antok na ako.
Next time ulit.
Good night ebelibadi!